SUPPORT FLIPTOP!

Friday, August 24, 2012

Dello - Atin 2X featuring Muriel



Dello - Atin 2X feat. Muriel (Produced by BoJam and Alwyn of FlipMusic)


1

Pag-ibig ko, mas malalim pa kesa doxology,
Di kayang paliwanag ng science and technology,
Nahihiyang sabihin, pero pilit man kinukubli,
Hindi to nagbabago parang Philippine Economy,

Sinimulan to ni Adan saka ni Eba,
At sinulat sa nobela ng Florante at ni Laura
Papel ginampanan ni John Lloyd at ni Bea,
Ngayon ay tayo'ng dalawa na ang magkapareha.

Yun ay bakasakali lang na sagutin,
Ikaw ang aking tala na binalak abutin,
Nahuhulog na ako sayo, sana saluhin,
Ang laman ng pangarap mo, sana ako din,

Pero hinihintay ko lang ako ay makatyempo,
Para maipahiwatig, isabay sa tempo,
Dinadaan sa awiting ikaw ang aking sentro,
Ng bawat mga linya at ito ang ating kwento.

Chorus:

Lika, at makinig ka,
ako ay may sasabihin, to' lang ay atin atin.
Lika, iniibig kita,
wag mo munang pagsasabi, ito lang ay atin atin.

2

Tayo ay magtropa, ng maadik ako sobra,
Lakas ng tama ko sayo, dinadaig ang droga
Biglang nagandahan sayo, di yun pambobola,
Inlove ako, walang kahalong eklavu at chorva,

Na pinigilan ko, agad ko yan kinontra,
Damdamin para bang naka lipovitan at cobra,
Tuloy sa pagkabog, at isipan ay natorta,
Iniisip ko na dyahe kung ako sayo'y poporma,

Kaya pinasya ko na di ko pagsabe,
Pero ang bawat araw ko ay naging boring, pag kase,
Hindi kita kakausap at pag di mo katabe,
Parang drama sa umaga tapos emo sa gabi,

Kaya sige, magtatapat na lang, kahit masilat man,
Ma-busted mo man ako, bahala na si batman.
Bahala na si darna, pag sinubo yung bato,
Kaya sinabi ko halika, may bubulong ako.

Chorus:

Lika, at makinig ka,
ako ay may sasabihin, to' lang ay atin atin.
Lika, iniibig kita,
wag mo munang pagsasabi, ito lang ay atin atin.

3

Kaya ayan na sinasabi ko, at pagkasabi ko,
Biglang alis ka na kanina nasa tabi ko,
Gusto ko man bawiin, o daanin ka ng pabiro,
Dapat di ka diniretsa, dapat medyo paliko,

O meron pang paligoy ligoy, di ka sana nabigla,
Pakiramdam ko ngayon, naiwanan sa gitna,
At iniiwasan na, dati ay kaanib ka,
Ngayon pag magkakasalubong ay kumakabig ka,

At ilang araw na hindi kita nasilayan,
Minumura ang sarili ko, e kase nga yang,
Love story ko hinahangad ko pa na makulayan
Ng pula, ay namutla, ngayon hindi na mahulaan,

Kung ano magaganap, pero muling nakaharap,
Magsosorry sana pero di ako nakasabat,
Ng sabihing di ka na galit doon sa binulong ko,
Lumakad sakin palapit, ito ang binulong mo.


Chorus:

Lika, at makinig ka,
ako ay may sasabihin, to' lang ay atin atin.
Lika, iniibig kita,
wag mo munang pagsasabi, ito lang ay atin atin.


--------------------
Category:
Music

License:
Standard YouTube License

No comments:

Post a Comment

Bawal Unggoy Dito!

Download all the Videos for FREE