SUPPORT FLIPTOP!

Wednesday, September 12, 2012

Lil Coli feat Young Cent - Sino si Ramon Bautista? (Music Video)


Sino Si Ramon Bautista? ('Yung Pogi) Music Video

Sino Si Ramon Bautista? ('Yung Pogi)
By LilColi and Ramon Bautista.
Introducing: Abby Borja - Fan Page

Sino si Ramon Bautista 
(yung pogi!!!) 8x

Ako si Ramon Bautista
Na may dugong artista
Pinanganak ako na pogi ang itsura
Nag iigib ng tubig pagkagising sa umaga
Matulungin ako sa aking lolo't lola
Pag lalabas ng bahay ay hindi nagkakalat
Nililinis ang likod, gilid at tapat
Lahat ng mga gwapo ay wala sa aking panama
Sa katawan kong macho, lahat ay humahanga
Sanay na ako pag sinasabihang pogi
Dahil totoo naman at di ito kunwari
Kasi ako si Ramon, mahilig sa mamon
Kung papogian lang ang laban ay wag ka na maghamon

Sino si Ramon Bautista
(yung pogi!!!) 8x

Kapitapitagan ang muka, idolo ng marami
Nagtatanim ng puno, naglilinis ng dayami
Bata matanda man, may ipin o wala man
Ako ay idolo kasi mahilig sa halaman
Environment friendly nga, ika nga nila
Hindi lang basta pogi, ako pa ay kilala
Sa aming eskinita pag akoy naglalakad
Lahat ng siga samin ay tumatakbo agad
Ako ay nirerespeto dahil sa pagiging pogi
Lahat ng mga babae ay kinikilig palagi
Kasi ako si Ramon, mahilig sa mamon
Kung papogian lang ang laban ay wag ka na maghamon

Sino si Ramon Bautista
(yung pogi!!!) 8x

Sa batas trapiko ay laging sumusunod
Mga pirated na cd ay di pinapanood
Sa kapogian kong taglay kaya hindi pa natatalo
Mr Pogi sa aming barrio, ako ay laging panalo
Maraming humahanga na parang superstar
Kaya ang tawag nila sakin, Ramon Bautistar!
Ako'y subsob sa pag aaral kaya tumatalino
Iwas sa barkada, pati sa mga bisyo
Dahil ako ay Pilipinong may pagmamahal sa bayan,
ang pagiging gwapo sakin ay hindi mawawala yan
Kasi ako si Ramon, mahilig sa mamon
Kung papogian lang ang laban ay wag ka na maghamon

Sino si Ramon Bautista
(yung pogi!!!) 8x

Category:
People & Blogs

License:
Standard YouTube License

2 comments:

  1. comment kayo kung idol niyo si ramon bautista! share niyo na rin sa FB niyo.

    ReplyDelete

Bawal Unggoy Dito!

Download all the Videos for FREE