Post Dos Por Dos Zoning
Ayon kay Anygma(Presidente ng FlipTop):
Unang una, maraming salamat sa lahat ng dumating at sumuporta sa event kagabi. Sana nakita niyo rin ang ayos ng pagorganize ng event namin kahit nakulangan ng isang beatbox battle at isang Dos Por Dos battle.
Para sa mga nanunuod ng streaming at nagkaproblema, intayin niyo lang yung e-mail namin sa inyo.
Para sa mga nanuod ng live at nagreklamo sa dulo na kesa daw nalugi sila sa pagbayad ng entrance, sana maisip niyo din na wala namang may gusto sa nangyari kagabi, biglaan lang nangyari, hindi talaga mapipilit yung mga idolo niyo na ipagpatuloy ang battle, at hindi ibig sabihin hindi parin sulit ang bayad niyo. Kung tingin niyo talaga na nalugi kayo sa pagbayad, kasing boraot niyo lang ang mga humihingi ng libreng stream kahit libre na nga sa youtube o mga wala namang naambag sa buong galaw ng eksena natin pero demanda parin ng demanda na akala mo naman, sa lahat pa ng bagay sa buhay, tanging karapatan niyo manuod ng rap battles ng libre.
Pero maliban doon, may kailangan talagang tutukan.
May gulo ngang nangyari kagabi.
Hindi inaasahan (actually, medyo inaasahan), at dahil nga dun, mapo-postpone ang laban ni Loonie/Abra at Crazymix/Bassilyo.
Hindi rin bago ang magkaroon ng gulo sa isang hiphop event. Sa ayaw o gusto ng tao, nangyayari talaga yan lalo na't sa eksenang masasabing umaandar sa ego o personalidad. Ang importante lang, maagapan yung gulo, siguraduhing wala nang ibang madamay, at matuto mula sa nangyari para sa susunod na event o kahit sa pangsariling kaalaman at moralidad. Hindi ibig sabihin na lahat ng hiphop events magulo, o lahat ng hiphop magulo, o ang hiphop mismo ay mahilig sa gulo. May nangyari lang, nangyayari talaga siya kahit iniiwasan, mangyayari ulit, pero malabo ang pag-generalize na ng isang buong kultura/komunidad dahil sa isang bagay (tulad ng pagsabing hindi musika ang hiphop o walang soul o puso, dahil di mo lang alam kung ano ang totoo o magandang hiphop, o panget ang iisang karanasan mo sa hiphop). Lalo na para sa unang beses makanood ng event, wag sana kayo manghinayang at isiping hindi na kayo manunuod ulit.
Sa totoo nga lang, pinakamababa na ang porsyento ng gulo sa FlipTop kumpara sa ano pang ibang events, lalo na't sa kalidad at kabuluhan ng nadadala namin. Sa dami ng events na ng FlipTop (higit 30), asa lima o anim pa lang na event na nagkaroon ng tunay na gulo at lahat ng gulong ito, hindi pa battle-related ang mga nagaaway. Kung ang pagorganize ng event ay makukumpara, at kasing dali lang ng, pagshoot ng freethrow, asa 5 o 6 pa lang ang mintes namin sa freethrow line. Hindi nga Ray Allen ang persyento, pero di naman kasing lala ni Shaq (at siyempre, hindi naman talaga magkasing dali ang pagshoot ng freethrow at patakbo ng event).
Hindi talaga nakakatawa ang nangyari kagabi. Siguradong maraming nagpapa-chismis sa nangyari. Marami rin ang hindi makakiintindi sa buong sitwasyon kasi di naman nila alam lahat ng pangyayari o kahalagahan ng mga pangyayari. Ang masasabi namin dito, wag nang manghusga ng kung sino mali o anoman, wag magmarunong tungkol sa nangyari, at wag na natin to palakihin. Ginagawa na namin lahat para maayos to para tuloy-tuloy din ang paggawa ng masaya't mapayapang event.
Lahat ng hindi kasali sa gulo, wag na kayong sumali at wag nang manggatong sa paraan ng pagchismis o pagkalat ng maling balita o pagiging totoy na kailangan panigan ang iniidolo niyo na parang wrestling.
Hahanapan pa namin ng paraan yung postponed battle. Maliban dun, magintay na lang ng updates para sa future events at salamat ulit sa tunay at walang-tigil na pagsuporta sa amin!