SUPPORT FLIPTOP!

Showing posts with label dospordoszoning. Show all posts
Showing posts with label dospordoszoning. Show all posts

Wednesday, July 25, 2012

FlipTop - 5 on 5 Battle *FIRST EVER* - Calabarzon Division vs Central Luzon Division

FlipTop Metro Manila presents: Dos Por Dos Semifinals + Boom Bap Friday @ B-Side, The Collective, Malugay Street, Makati City, Metro Manila, Philippines. July 6, 2012. Filipino Conference Battle

-CALABARZON DIVISION VS CENTRAL LUZON DIVISION-






Winner: TEAM CALABARZON ( Rapido/Batang Rebelde/Icaruz/Zaito/Mizayld )

Rapido/Batang Rebelde/Icaruz/Zaito/Mizayld
Nico/Kamandag/Tipsy D/Third D/Sayantipiko

Category:
Music

Tags:
5 on 5 calabarzon division central luzon division calabarzon central luzon tipsy d third d sayantipiko nico kamandag zaito icaruz rapido mizayld batang rebelde first ever 5 on 5 rap battle filipino philippines pinoy tagalog boom bap friday bside the collective malugay makati cavite bataan olongapo metro manila filipino hiphop pinoy hiphop sso clothing jba security service 5 vs 5 dos por dos semis

License:
Standard YouTube License


Top Comments:
HAHHA!!! PARANG PNAPAGALITAN SILA NI ZAITO!!! HAHAHA!!!
MrWenconjames

thumbs up para sa humahawak ng mic!!
jbugahodTV


--------------------------------------------
SHARE on FACEBOOK and TWITTER!
--------------------------------------------

FlipTop - Melchrist/Papew vs Juan Lazy/Harlem @ Dos Por Dos Tournament


FlipTop Metro Manila presents: Dos Por Dos Semifinals + Boom Bap Fridays @ B-Side, The Collective, Malugay Street, Makati City, Metro Manila, Philippines. July 6, 2012. Filipino Conference Battle

-MELCHRIST/PAPEW VS JUAN LAZY/HARLEM-



Winner: JUAN LAZY/HARLEM (schizophrenia)

Category:
Music

Tags:
melchrist papew juan lazy harlem schizophrenia mongol unit baked studios boom bap friday dos por dos semis dos por dos tournament bside the collective calabarzon division cavite batangas pasig makati sso sso clothing jba fliptop philippines filipino pinoy tagalog rap battle 2 on 2

License:
Standard YouTube License

FlipTop - Loonie/Abra vs Shehyee/Smugglaz @ Dos Por Dos Tournament


FlipTop - Loonie/Abra vs Shehyee/Smugglaz @ Dos Por Dos Tournament 


Winner: Shehyee/Smugglaz (TEAM SS)

FlipTop Metro Manila presents: Dos Por Dos Semifinals + Boom Bap Friday @ B-Side, The Collective, Malugay Street, Makati City, Metro Manila, Philippines. July 6, 2012. Filipino Conference Battle 

-LOONIE/ABRA VS SHEHYEE/SMUGGLAZ-

Category:
Music

Tags:
loonie abra shehyee smugglaz stick figgaz ldp lyrically deranged poets flipmusic 187 mobstaz blind rhyme production shockra sagpro turf dos por dos semis boom bap friday bside the collective wipcaps malugay pasig cebu mandaluyong tondo manila Metro Manila fliptop metro manila rap battle filipino tagalog philippines pinoy filipino hiphop battle

License:
Standard YouTube License

Monday, July 9, 2012

Announcement: GUSTO NIYO TALAGA NA MAUPLOAD YUNG DOS POR DOS SEMIS

okay, GUSTO NIYO TALAGA NA MAUPLOAD YUNG DOS POR DOS SEMIS??

SUBUKAN NATIN TO: 

Para makita na lang din kung gaano karami ang buraot pagdating sa FlipTop, at dahil hindi na rin kayang istream kasi may mga magnanakaw parin sa loob ng 8 stream viewers, iu-upload namin ang BUONG Dos Por Dos Semis event KUNG

makakaraise tayo ng Php 100,000.

Oo. Php 100,000.

-Anygma

Pero bago kayo magreklamo ng kung anoman, para matingnan ng mas madali, kailangan niyo lang talaga ng 500 na tao (nung isang araw tinanong namin kung higit 500 ang handang maglabas para ilabas ang videos).

500 na tao. Tig P200. = (madali na siguro imultiply yan no?)

Mas konting tao kesa sa pumunta ng event. 
Mas mababang presyo kesa sa ticket. 
Mas magandang quality ng battles (hindi ka nakikipagsiksikan o nagpapadamihan ng pawis sa event, pwede mong balik balikan, atbp) 

AT

kung buraot ka talaga at umaasa lang sa libre lagi, mapapanuod mo rin siya kahit di ka kasali sa 500 daang hindi buraot at handang sumuporta (maliban sa mga nakarating ng event siyempre). 

Hindi ito requirement. Kung hindi kayo sangayon, eh di intayin niyo yung normal na schedule ng pagupload at wag asahang makalamang sa mga nanuod talaga sa live o mga hindi talaga makakanuod ng live pero handang tumulong. 

Magbibigay kami ng hanggang susunod na Lunes para maabot yung presyo. Siyempre kapag mas maagang maabot, mas maaga namin mauupload. 

Kapag hindi naman maabot yung presyo ng Lunes, depende sa pumasok, magu-upload na lang din kami ng kaporsyentong video ng pumasok. Kapag masyado naman mababa yung pumasok na tulong (hal. 50 tao lang ang nagbigay tas iba pa kulang sa 200 ang binigay), magiging libreng entrance na lang nila yun sa kahit anong future event ng FlipTop at babalik na nga lang sa normal na schedule. 

Kaya kaya?? Mapatunayang may 500 tao LANG na hindi buraot, kahit yung susunod na ilang libo ay buraot na, lahat makakanuod ng napakalakas na event. 

Kung game, at interesado kang tumulong, mag email lang sa fliptopsponsorship@gmail.com. Uulitin, fliptopsponsorship@gmail.com, para sa detalye ng pagpadala ng tulong. 

At tingnan natin kung ilan talaga game =)

Monday, May 7, 2012

Fliptop - Abra/Loonie vs Basillyo/CrazyMix POSTPONED

Post Dos Por Dos Zoning

Ayon kay Anygma(Presidente ng FlipTop):


Unang una, maraming salamat sa lahat ng dumating at sumuporta sa event kagabi. Sana nakita niyo rin ang ayos ng pagorganize ng event namin kahit nakulangan ng isang beatbox battle at isang Dos Por Dos battle.

Para sa mga nanunuod ng streaming at nagkaproblema, intayin niyo lang yung e-mail namin sa inyo.

Para sa mga nanuod ng live at nagreklamo sa dulo na kesa daw nalugi sila sa pagbayad ng entrance, sana maisip niyo din na wala namang may gusto sa nangyari kagabi, biglaan lang nangyari, hindi talaga mapipilit yung mga idolo niyo na ipagpatuloy ang battle, at hindi ibig sabihin hindi parin sulit ang bayad niyo. Kung tingin niyo talaga na nalugi kayo sa pagbayad, kasing boraot niyo lang ang mga humihingi ng libreng stream kahit libre na nga sa youtube o mga wala namang naambag sa buong galaw ng eksena natin pero demanda parin ng demanda na akala mo naman, sa lahat pa ng bagay sa buhay, tanging karapatan niyo manuod ng rap battles ng libre.

Pero maliban doon, may kailangan talagang tutukan.

May gulo ngang nangyari kagabi.

Hindi inaasahan (actually, medyo inaasahan), at dahil nga dun, mapo-postpone ang laban ni Loonie/Abra at Crazymix/Bassilyo.

Hindi rin bago ang magkaroon ng gulo sa isang hiphop event. Sa ayaw o gusto ng tao, nangyayari talaga yan lalo na't sa eksenang masasabing umaandar sa ego o personalidad. Ang importante lang, maagapan yung gulo, siguraduhing wala nang ibang madamay, at matuto mula sa nangyari para sa susunod na event o kahit sa pangsariling kaalaman at moralidad. Hindi ibig sabihin na lahat ng hiphop events magulo, o lahat ng hiphop magulo, o ang hiphop mismo ay mahilig sa gulo. May nangyari lang, nangyayari talaga siya kahit iniiwasan, mangyayari ulit, pero malabo ang pag-generalize na ng isang buong kultura/komunidad dahil sa isang bagay (tulad ng pagsabing hindi musika ang hiphop o walang soul o puso, dahil di mo lang alam kung ano ang totoo o magandang hiphop, o panget ang iisang karanasan mo sa hiphop). Lalo na para sa unang beses makanood ng event, wag sana kayo manghinayang at isiping hindi na kayo manunuod ulit.

Sa totoo nga lang, pinakamababa na ang porsyento ng gulo sa FlipTop kumpara sa ano pang ibang events, lalo na't sa kalidad at kabuluhan ng nadadala namin. Sa dami ng events na ng FlipTop (higit 30), asa lima o anim pa lang na event na nagkaroon ng tunay na gulo at lahat ng gulong ito, hindi pa battle-related ang mga nagaaway. Kung ang pagorganize ng event ay makukumpara, at kasing dali lang ng, pagshoot ng freethrow, asa 5 o 6 pa lang ang mintes namin sa freethrow line. Hindi nga Ray Allen ang persyento, pero di naman kasing lala ni Shaq (at siyempre, hindi naman talaga magkasing dali ang pagshoot ng freethrow at patakbo ng event).

Hindi talaga nakakatawa ang nangyari kagabi. Siguradong maraming nagpapa-chismis sa nangyari. Marami rin ang hindi makakiintindi sa buong sitwasyon kasi di naman nila alam lahat ng pangyayari o kahalagahan ng mga pangyayari. Ang masasabi namin dito, wag nang manghusga ng kung sino mali o anoman, wag magmarunong tungkol sa nangyari, at wag na natin to palakihin. Ginagawa na namin lahat para maayos to para tuloy-tuloy din ang paggawa ng masaya't mapayapang event.

Lahat ng hindi kasali sa gulo, wag na kayong sumali at wag nang manggatong sa paraan ng pagchismis o pagkalat ng maling balita o pagiging totoy na kailangan panigan ang iniidolo niyo na parang wrestling.

Hahanapan pa namin ng paraan yung postponed battle. Maliban dun, magintay na lang ng updates para sa future events at salamat ulit sa tunay at walang-tigil na pagsuporta sa amin!

Tuesday, May 1, 2012

Download all the Videos for FREE