PST (produced by Franchize for FLEE Entertainment)
Verse 1: Harlem
Utak ko'y may pilay tawag sakin ay "bali"
Isang baso tinta mo, ganun ba sakin ay balde
Ay mali, isang tangke na dumadayo pa sa gyera
Bigatin ang bagsak kahit ang kambyo pangprimera,
Ako'y karayom beat ang tela letra ko mga sinulid,
binuo mga pinunit, dinugtong mga ginuhit
na mga salitang tatatak limutin man ito,
Di kinaya ng papel kaya inukit sa bato
na binuga, di mo alam ano pang kaya kong gawen
Ako ang may saltik sa ulong di mo kayang gamutin,
Kahit na magtawag pa ng limang spesyalista,
makakatikim ka ng "balibag de batista"
Sasamain ka, wag na tangkain na
iyong banggain ang bihasa na sa tinta,
Wag ka ng sumulat mag-iba ka ng linya
MENOR pa lang iwan ka na agwat, ilang milya..
Verse 2: Juantamad
Higpitan ang paghawak sa mic, ng kanang kamay bago bilisan nang,
maipakita sa gustong sumabay ang taglay ko na kalupitan,
Sa mga salitang, pinalitan nang, higit sa walong pangungusap,
Ikinagulat ng mga hinayupak ang barra ko na mala-Tupac,
Sa gigil ay di ko mapigil tapakan ng madiin ang silinyador,
Aabutan mo pa kaya kung ang ikot ng gulong ay para bang bentilador,
Dahilan para maglikha..
Ng hanging buhawing magtataboy sa kung sinumang humarang sa gitna,
Ang krimen na inabot ng buhay naging kritikal karumal-dumal,
Na parang tinakot ng mga tunay na kriminal umaatungal,
Sa galit dahil di magaya siguro mahirap ngang kabisahin,
Magpaturo ka ng maaga kaso gabi na "Amoy araw ka pa rin!"
Sa kakaiba ko na tunog, Sira, ang entablado ay durog,
Sa mala-Manny Pac kung sumuntok, Siguradong kalaban ay durog,
Giba ang luma't istilong bulok ay resulta ng pagkabigo,
Nabasag labas ang bungo pare kahit SEGUNDA pa lang ang takbo.
Verse 3: Smugglaz
Sumakay ka sakin para malaman mo na kung saan nga ba talaga ito papunta,
Makina ko na gigil di ko na pinababatid nang di na lumiligoy,
Mga kalooban namin na isina-musika madulas at malutong na ipinadaloy,
Sa pamamagitan ng dila na walang habag na pinapalagapak sa ngala-ngala,
Tunog na ganto ay hindi mo makukuha yun ay kung tanga-tanga ka,
Kaya wag ng sumabat at manahimik ka na lang kung ang nalalaman mo ay kakarampot,
Mga sulat ay malalim pero di mo mapaliwanag kung saan-saan pinagdadadampot,
Napakadami ng mga tiniis ko para lang maging kakaibing lirisismo,
Hanggang sa di ko na namalayan na ang layo na ng binilis ko,
Sa mga pagkakataon na ganito ay wala namang diperensya sa matulin ang bibig,
Kung ikaw ay desidido talaga na umunuwa ay marapat lang na ikaw ay matuling makinig,
Magkakatabi lahat ng mga pangungusap nakalutang sa lakas na di makontrol,
Pina "haging", paatake, pasugod ng aking dila na may tabas na hindi natututunang pumurol...
Saking pagkatao'y nanaig ang pagnanasa na ako ay manatiling ganito,
Patuloy na mananagasa sa matuling pagragasa kung saan ay ako'y nakasalo bilang ika-Pito,
Naging isa sa pinaka malulupit, bilang Sumpa ng Shockra,
Lahat naiwan ng dilat yan ang panganib ng TIRSERA..
Category:
Music
License:
Standard YouTube License